At sa South Africa naman pinagkaka interesan nila ang isang uri ng daga dahil sa pambihira nitong lasa ang Giant African Pouch Rat.
Sa Bataan naman dito namin nakilala ang isang supplier ng kakaibang karne ng mga restaurant, Katulad ng Baboy Ramo. Itim ang kulaty ng balahibo nito at mahaba ang nguso. Ang klase daw na baboy ramo na binibenta nya ay hindi pa daw endangered species, bagamat may lahe na rin ito na malapit ng maubos. Nagsimula lamang daw sya nito sa dalawang baboy ramo hanggang umabot na ito sa mahigit 30 pero ang iba na ibenta na nya, dagdag pa nya wala raw pagkakaiba ang pag aalaga nito sa nakasanayang uri ng baboy katunayan mas tipid pa nga raw ito dahil organic ang kinakain katulad ng saging at kamoteng kahoy. Pero dahil itinutori paring exotic ang karne nito mas mahal ito sa halaganggang 250 ang kada kilo.
Sa araw na ito may nag order sa kanya ng isang buong baboy ramo ang order sa kanya ng isang restaurant sa Quezon City. Pero para mahuli ito apat na tao ang nagtulong tulong at kahit nasa loob ito ng isang koral umabot sila hanggang sa isang oras. Noong nakatay at nalinisan inilagay ni Jules sa isang stayrofoam ang karne at saika isinakay sa bus papuntang Quezon City deritso sa isang restaurant na ito sa Visayas Avenue kung saan ang kanilang recipe ay adobong baboy ramo at adobong sa luyang dilaw.