Exotic Food in the Philippines! Crocodile Recipe!

Ang mga indangered animal o malapit ng maubos sa ating gubat bawal nang hulihin at kainin pero ang ilan ay meron nang permiso ang mga ito na ihawin kaya naman ang mga matatapang na sikmura ay dumadayo. Dito sa koral Agri venture farm sa Moron Rizal. May mga mababangis na mga hayop, mga buwaya, pulopulotong at tila ay palaging handang sumalakay. May mahigit dalawangpong libong buwaya dito. Katunayan ito ang farm na may pinaka maraming alagang buwaya sa buong Pilipinas. Pero hindi sila pinaparami para maging tourist attraction kung hindi para katayin at kainin.


Taong 2000 noong simulang niola ang pag aalaga at pag breed sa mga buwaya Crocodylus Porosus o mga buwayang tabang. Pero hindi lahat ng nag aalaga ng buwaya pweding magkatay nito kailangan nilang kumuha ng permit sa Protected Areas and Wild Life Bureau sa DENR.

Ang mga kinatay na buwaya ay ginagawang crocodile made na Tocino, tapa at sausage. Para sa Crocodile Tocino, una munang ilalagay sa slicer ang karne para mahiwa ng manipis, sunod na ilalagay sa isang machine atb hahaloan ng secretong pulbos na magbibigay kulay, lalagyan ng asukal na pula at ihahalo at iikotin para mahalo ang mga sangkap at pagkatapos ng dalawangpong minuto deritso sa packaging session.


Popular Posts