Amazing Lake Holon South Cotabato

Sa pusod naman ng T'Boli South Cotabato, may isa raw silang pinakatago tagong yaman. Sa sobrang ganda nga raw ng lugar na ito tinawag itong Crown Jewel of the South, ang Lake Holon.


Pinangalan ito sa pangalan na Holon na ang ibig sabihin po ay malalim na tubig. Speaking of Crown Jewel of the South mapapansin ninyo na ang hugis nito ay parang korona. Isa itong crater lake sa Mount Melibingoy o kilala rin sa tawag na Mt. Parker. Inilalarawan ang lawa bilang isang beautiful disaster. Dahil ang itinutoring Crown Jewel of the South resulta daw nang pagsabog ng bulkan noong January 4 1641.

Paniniwala rin ng tribo ng T'Boli may nagsisilbi daw taga bantay at taga panatili ng ganda ng lake Holon.

Basi sa kanilang kwento ang ang lawang ito ay may kaharian daw sa ilalim.

Bago marating ang paraiso ang mga T'Boli nagsagawa muna ng ritual bako maglakbay dahil aabutin kasi itong hanggang tatlong oras.

Matapos ang mahabang treck mainit na sassalubong sayo ang mga tribo. Talagang ang pagod sa pag akyat ay matatanggal pagkarating mo.

Popular Posts