Seafood Craving in One Place!

Kilala ang Roxas City bilang seafood capital ng Pilipinas. Lahat nga raw ng klasing seafood ay narito at sagana. Kung hindi ka makapag desisyon kung anong seafood ang kakainin may putahe raw dito na ipinag sama sama na ang lahat ng ito ang Tinagong Laman Ng Dagat Sa Ubad. Pinagsama sama alimango, sugpo at hippon. Naggisa ng bawang, sibuyas at luya sunod na inilagay ang sugpo, hippon at alimango.


Nilagyan ng homemade tamarind sweet sauce at minatamis na sampalok. Idinagdag ang sotanghon at pinakuloan hanggang maluto ang mga sangkap at noong naluto inilagay ang ginisang sugpo, hippon at alimango sa ubod ng saging o yong malambot na na puno ng saging at muling tinakpan ang Ubad.

Ang nakakatakot lang sa mga seafood marami sa mga ito ay mataas ang taglay na cholesterol na taglay. Pero sadyang may ayaw paawat lalo pat nagsulpotang ang mga restaurant ngayon na ang specialty ay mga seafood.


Sa seaside restaurant na ito sa Las Pinas tyak daw na ikaw ang susuko sa mga alimango sa halagang five hundred ninety nine pesos na package pwede kang mag video k at magpamasahe ng dalawang oras at tatlongpo minuto na spa at kumain sa ng buffet na clam soap, buttered chicken, sweet and sour fish fillet at ang pinaka high  light ang alimango na inulutong Crab Marites unlimited!

Matapos linisin ang alimango tinimplahan ng asin at paminta dinagdagan ng cornstarch para mag silbing breading at saka prinito sa mainit na mantika sa loob ng sampong minuto at pagkatapos maluto itinabi at nagisa ng bawang at sili. Inihalo ang prinitong alimango dinagdagan ng keso at white wine at luto na ang Crab Marites.

Sa restaurant naman na ito sa Quezon City imbes na bear bucket seafood! At ang pinaka patok daw nilang putahe ay ang Shirmp Salty Eggsperience Sauce in a Bucket. Pinakuloan sa chicken stock ang hippon at noong medyo luto na pinatuyo at nag gisa ng bawang inilagay ang salty eggsperience sauce ingredients na kombinasyon ng asin, itlog at ilan pang mga sekritong sangkap at sunod na isinama ang hippon at inilagay sa plastic, inalog para maihalo at inihain.

Maliban sa hippon meron ding tahong at alimango in a bucket. Masarap pero kapag nasobrahan nakakatakot kayat hinay hinay lang. Lalo pat sa dinarami-raming seafood sa Pilipinas hindi ka mauubosan.




Popular Posts