How To Cook Classic Pinoy Snack

Kung anong produktong yaman ang isang probinsya asahan nalang may maiisip sila ditong meryenda katulad nalang sa Malaybalay Bukidnon. Kung saan makikita ang ikta-iktaryang mais farm ito. Dahil sa dami ng kanilang inaaning mais isa sa mga pambato nilang meryenda gawa syempre sa mais. Ang tinatawag nilang Binaki o Corn Cake. Ang pinaka-masarap daw magluto nito ay si Mang Raul na dalawang dekada ng nagluluto nito. Minana pa raw nya ang kanyang recipe mula sa kanyang nanay at lola.


Tinanggal muna ang balat ng mais, giniling, pagkatapos hinaloan ng margarine, powdered milk, keso, baking powder, asukal, evaporated milk at ang kanilang sekretong pangpasarp.

Pinasingawa sa loob ng kinse minutos. Ang presyo walong peso kada piraso.

Pwedi rin daw pag-isahin ang dalawang magkaibang meryenda, Buchi ang isa sa inpirasyon ng recipe na ito. Dahil bukod sa Galapong maydinurog din itong mongo sa loob. Pero ang style ng pagluluto kagaya ng pagluto sa Bibingka kaya tinawag itong Bibingkoy.

Panahon pa raw ng mga hapon natitikman na ang Bibingkoy sa Cavite pero ang recipe ni Aling Lolit mula pa sa kanyang in a na si Ika.

Sa paghahanda ng Bibingkoy kailangan ng galapong o yong ginbiling na malagkit o kanin at minatamis na mongo. Ipinalaman ang mongo sa loob ng galapong at isinalang sa lutoan ng bibingka sa loob ng kinse minutos.

At para sa sauce nagpakulo ng gata at inihalo ang asukal at inilagay ang sago at langka. Para mas malinamnam pa ang sauce.

Mga kakanin ang isa sa mga paboritong meryenda ng mga Pilipino at hindi mawawala sa listahan ang pagkaing ito na gawa sa Casava o kamoteng kahoy. Nilalagyan ng topping ng nyog o kaya keso ang malagkit na Pichi-Pichi.

Si Aling Evelyn dating taga Malabon na kilala sa masarap nilang Pichi-Pichi. Ang natutonan nyang recipe sa paggawa ng Pichhi-Pichi dinala nya hanggang Santa Rosa Laguna.

Sa paghahanda ng Pichi-Pichi, giniling ang kamoteng kahoy hinalo ang asukalo at pinasingawan sa loob ng sampong minuto. mabibili ito sa halagang 64 pesos bawat sampong piraso. Sa isang maliit na pwesto lang daw sa palengke noon nagbebenta si aling Evelyn pero dahil pumatok ito nakapagpatayo na sya ng isang restaurant.

Isa rin masarap na e meryenda ang panghimagas na ginawa mula sa kinayod na nyog inuluto sa asukal na pula ang pagka tamis tamis na bukayo.

Ang tindahang ito ng ibat ibang candy at matamis sa bayan ng Padre Garcia sa probinsya ng Batangas pag mamay ari ng asawang Evelyn at Crisantimo. Dalawang klase ng bokayo ang kanilang itini-tinda ang matigas na galing sa kinayod na nyog at malalaki ang strip nito mas kumakapit at nag caramelize ang asukal sa nyog kaya ito tumitigas. Meron ding malambot na buikayo maninipis ang hiwa kaya mas chewy. Tinunaw muna sa malaking kawa ang asukal na pula inihalo ang kinayod na laman ng nyod sa loob ng dalawang oras hanggang sa manoot ang asukal.

Ang bukayo kaya raw tumagal ng anim na buwan murang mura 12 pesos kada balot.

Ngayong bakasyon masarap pagsaluhan ang meryenda at sa dami ng ating mapagpipilian tiyak wala magugutom.





Popular Posts