Singaporean Crab and Black Pepper Crab!

Paborito ito ng marami sa atin kahit sa totoo lang may kahirapan itong kainin at di kaano mabubusog hindi madaling maghimay pero ang sarap ng alimango nakasisipit.


Mga alimango lover jan tiyak heaven para sa inyo ang restauran na ito sa Quezon City ang kanila kasing paandar Crab all you can. Seafood daw talaga ang specialty ng kainang ito na pagmamay-ari ng magkaibigang Ericka, Vonet, Renny at Abby. Pero dahil marami daw sa kanilang mga customer bitin sa pagkain ng alimango naisipan nilang magpa unlimited Crab.

At dahil sa pakulo nilang ito araw araw umaabot sa higit isang daan kilo ng alimango ang nauubos dito. Mula alas 10 am ng umaga hanggang 10 pm ng gabi pwedi ditong kumain ng alimango unlimited sa halagang 699 pesos kada tao. Kasama ang special na sauce na kung tawagin nila sukang panalo.

Syempre hindi pwedi ditong kumain ng naka kutsara. Kada order ng alimango may kasama ditong bato at sangkalan para mas madali mong mahimay ang mga sipit.

Sa bayan ng Santa Cruz sa probensya ng Marinduque. May isang uri ng alimango na kung tawagin nila "Bigoy" pero "Adik Adik" naman para sa taga Quezon province. Permi kasing mapupula ang mga mata nito, itim ang shell at ang mga sipit naghahalong violet at orange. Mas masarap daw ito nakaka high.

Si Aling Julie dalawang taon ng nanghuhuli ng alimango. Kada umaga dumadayo sila sa bakawan. Maingat nya itong inipit gamit ang kanyang paa at saka tinalian. Araw araw nakakahuli sila ng di bababa sa sampong kilo nito na naiibenta nya ng 30 pesos kada tali.

Ang paborito nilang luto dito ay "Sinilihang Adik Adik" Pinakuloan mula ni Ali8ng Julie ang Alimango at naggisa sya ng bawang, sibuyas at siling labuyo at oyster sauce, nilagyan nya ito ng asukal. Talaga naman ang sarap na pinaghalong tamis at anghang. The best!

Pero kung gusto nyo itong ulamin. Dagdagan nyo lang ito ng gata at para mas masarap purong gata ang gamitin.

Ang ibat ibang bansa may kanya kanyang specialty. Ang Singapore may Singaporean Chilli Crab o kaya black pepper crab. Pero hindi muna kailangan pang dumayo ng Singapore para matikman ang kanilang recipe na alimango dahil meron din yan sa restaurant na ito sa Makati. Guarantee Authentic Singaporean dahil ang kanilang Chef ay Singaporean.  Ang isa sa kanilang best seller ang Triple Cooked Crab Bihoon na mabibili sa halagang 2000-2500 pesos kada order.

Naggisa ng bawang sa butter binuhosan ng special soap at inilagay ang alimango at stir fry ang noodles, pinakuloan hanggang manoot ang sarsa na may sahog na mushroom at pepper. Ishinare din nila ang kanilang recipe na black pepper crab. Tinunaw ang butter nilagyan ng black pepper inihalo ang special na soap stock at dito inuluto ang alimango pandagdag ng lasa at nilagyan din ito ng black sauce oyster sauce at rice wine.

Sa mga gusto naman ng alimango pero ayaw maghimay mga taga Caveteneo na raw ang bahala sa inyo. Ang kanilang recipe ng rellenong alimasag hindi nyo na kailangan himayin.




Popular Posts